Zero Waste in Eco-tourism city

August 15, 2006

Oplan Linis Program (Clean and Green Campaign):

Launched on August 1, 1992, the program aims to sustain cleanliness, beautification, and sanitation in the city through active and continuing partnership among government agencies, non-government organizations, the private sectors, and citizens. The program has earned for Puerto Princesa the coveted label of being the cleanest and greenest city in the Philippines

++ read MORE

GMA commends Hagedorn on RP’s first state-of-the-art landfill facility

GMA commends Hagedorn on RP’s first state-of-the-art landfill facility. March 31st,
2006. President Gloria Macapagal-Arroyo commended on Friday the city government
of Puerto Princesa for its state-of-the-art engineered sanitary landfill
Hagedorn-Net-News – http://hagedorn-net-news.blogspot.com

PGMA’s Remarks during the Inauguration of the Puerto Princesa City Engineered Sanitary Landfill
Brgy. Sta. Lourdes, Puerto Princesa City, Palawan (31 March 2006)

 
Maraming salamat, Mayor Hagedorn.

Kita niyo walang presidential podium kasi supposed to be ribbon-cutting lang ito, walang programa, walang diskurso ako, pero sa ganda ng sinabi ni Mayor Hagedorn at sa ganda ng nakita kong ginagawa niya sa Puerto Princesa, hindi puwedeng aalis ako na hindi magpasalamat at magpuri kay Mayor Hagedorn.

Unang-una, batiin ko lamang hindi siya kundi yung mga opisyal din ng lalawigan at ng distrito: gusto kong batiin si Governor Joel Reyes; ang inyong congressman, si Congressman Baja Mitra, iyung congressman sa kabila, si Congressman Tony Alvarez; batiin ko rin yung inyong vice mayor, si Vice Mayor Bayron at saka yung iba’t-ibang mga opisyal ng Puerto Princesa. Nabanggit ko si Genio gawa nang kasama ko dito yung mga nag-aalaga ng ating kapayapaan, si Admiral Danga, ang bait-bait na admiral na nandito yung commander ng WestCom at saka si General Genio na nga ng pulis at lahat ng kasama nilang mga sundalo, navy men, marines at air force pilot at policemen binabati ko lahat sila. At binabati ko rin ang mga tagarito sa barangay Sta. Lourdes, malaking karangalan nakaabot ako dito para makita itong napakagandang landfill, engineered sanitary landfill na 1992 pa pala pinaplano na ni Mayor Hagedorn, napaka-forward looking ang ating punong-lungsod.

Sabi nga ni mayor, dala-dala ko ang napaka-importanteng mga Cabinet members dito. Mga Cabinet members na kinakailangan para sa patuloy na pag-develop ng Puerto Princesa. Kung sa pag-develop lamang laban sa kahirapan kayang-kaya yon ni Mayor Hagedorn, pero gusto natin mas importante pa kaysa sa paglaban sa kahirapan ng Puerto Princesa. Si Mayor Hagedorn ay hindi lamang punong-lungsod ng Puerto Princesa, siya ang chairman ng City Mayors League, siya ang member… Siya ang member of the Board ng Union of Local Authorities of the Philippines at siya ang kumakatawan sa Union of Local Authorities bilang pangulo o namumuno ng task force natin kontra sa jueteng gaya nang sinasabi niya.

Sabi nga ni mayor na ako ay isang… Hindi ko makokonsyensiyang iiwanan sa mga susunod na henerasyon ang mga problemang namana ko. At gaya nga nang sabi ni mayor, itong isyu ng jueteng ay dinesisyon kong harapin sa minsanan. Pero para maharap iyon, sa loob ko sabi ko noon, “papano ko gagawin ito, panahon pa ng mga kastila walang nakakaayos ng problemang ito.” Hindi ko magagawa kung hindi ko mahahanap ang isang makakatulong sa akin. At nakita ko si Mayor Hagedorn, aminadong noong araw nandoon siya sa industriyang iyon pero napigil niya. Very successful. So, sabi ko, “Ed, kung ano yung ginawa mo sa Puerto Princesa, puwede bang gawin mo sa ngalan ng local authorities para sa buong bansa. Tulungan mo ako.” At buong puso namang tinanggap niya yung aking hiling.

Ngayon, pinag-aralan niya yung buong problema dahil nagawa niya rito, pero siyempre sabi niya iba naman yung buong bansa. So noong pinag-aaralan niya at pinag-uusapan namin, sabi niya, dalawa yang aspetong yan — hindi lang dalawa, tatlo pa nga — nandoon yung enforcement, nandoon yung amelioration ng mawawalaan ng trabaho at nandoon yung pagpalit ng kultura.

Ngayon yung enforcement, yon naman ang papel ng Philippine National Police. Kaya dala-dala ko si Undersecretary Marius Corpus dito para iyon na nga ay klaruhin natin ang papel ng DILG at saka ng pulis, si General Genio dahil ayon sa batas ang talagang namumuno sa paglaban sa jueteng ay ang local government, ang national agencies ay mga tumutulong sa mga local government. Kaya ang pulis ay narito para tumulong sa local government. Kaya ang Philippine National Police ay narito para tumulong kay Mayor Hagedorn, na kumakatawan sa mga local government.

Eh sabi nga ni mayor, hindi lang enforcement, kasi makaka-enforce ka kung nawalaan naman ng trabaho yung napakarami. Mawawala nga ang jueteng, susugod naman yung ibang mga krimen, baka drugs pa nga mas grabe pa. Kaya mayroon dapat social amelioration program, sabi ni mayor. So, sabi ko, “Ed, eh di ikaw ang maghanap ng social amelioration program.” At ang ginawa nga ni Ed ay tinignan niya lahat ng iba’t-ibang ahensiya na baka puwedeng makatulong. Tinignan niya yung PAGCOR, tinignan niya yung DSWD, tinignan niya yung PCSO at sana rin — sino pa? — TESDA, tinignan niya. Ah siya na rin ang pumili kung sino ang mayroon pati bureaucratic capacity na madaliang masagot ang problema ng social amelioration. Kaya ano ang papel ng PCSO — at si Mike Defensor naman na aking Chief of Staff ay siya ang nag o-oversee sa PCSO — ano ang papel nila? Katulong din nila, sila ng local government sa social amelioration aspect. Pero ang namumuno pa rin mga local governments na kinakatawan ni City Mayor Hagedorn bilang pinuno nitong task force na ito. Kaya PNP, PCSO katulong ng mga local governments na kinakatawan ni Mayor Hagedorn. Yan ang papel nila.

Yung pangatlo, mapalitan ang kultura ng pagsusugal. Yan naman ang long-term at kailangan natin ilagay yan sa ating edukasyon, sa ating mga simbahan, sa ating mga parishes. So, ito ay hindi lamang papel ng pamahalaan, papel ito ng buong pamayanan. At inaasahan ko rin na si Mayor Hagedorn din ang tutulong sa atin kung papano mabuo ang mga programa para sa ganun mapalitan na ng pangmatagalan yung kultura ng pagsusugal, di ba mayor?

Kaya sabi ko, si Mayor Hagedorn ay hindi lamang mayor ng lungsod ng Puerto Princesa, siya ay isang kumakatawan sa local governments sa mga napakaimportanteng programang pambansa. So siya ang mayor hindi panglungsod, mayor pambansa. Kaya dala-dala ko ngayon sa kanyang imbitasyon ang mga importanteng kinatawan ng mga ahensiya ng pamahalaan na makakatulong na maging espesyal ang Puerto Princesa sa ating bansa. Gaya nang sabi ko, kung kahirapan lamang kaya ni mayor malutas ang kahirapan. Ano ang espesyal sa Puerto Princesa? Ang pagka espesyal ng Puerto Princesa gaya nang sinasabi nating Central Philippines: Visayas, Palawan, Romblon, Bicol, Northern Mindanao islands ay ang turismo. Yon ang magiging… Doon magiging espesyal ang lungsod ng Puerto Princesa.

Kaya dala-dala ko ngayon si Secretary Ace Durano ng Tourism. At ewan ko kung maiiwan ko siya ngayon para pumunta sa sabang, pero kung hindi ko siya maiwan ngayon para pumunta ng sabang, isigurado mo, Ace na bumalik ka para makapunta ka doon. At bakit hindi pa siya nakakapunta? Kasi mahirap ang kalsada, kaya kailangan ayusin natin ang kalsada. Kaya kaupo namin si Jun Ebdane kanina sa kotse mula sa airport gawa nang nag-uusap kami ng official business. At si Secretary Ebdane ang gagawin niya ay magtu-turn over siya ng initial 50 million pesos sa City of Puerto Princesa para sa kalsada hanggang sa Sabang. Ngayon mayroong kalsada pero kung magla-landing pa sa manila ay baka tatamarin na yung turista. So, kailangan ng international airport gaya nang sabi ni mayor.

Kaya dala-dala ko si Secretary Mendoza ng DOTC. Dalawa ang gagawin natin — yung pangmabilisan at pangmatagalan. So, yung pangmabilisan ay aayusin mo yung terminal, larry. At aayusin niya yung terminal, gagastos siya ng 30 million pesos para maganda yung terminal ng Puerto Princesa. Yung pangmatagalan naman na kailangan bilyon-bilyon ang gastos ng airport, milyon- milyon naman ang feasibility study. At rinereport ni Larry Mendoza — kasama ko siya sa eroplano kanina because we also talked official business — at ginagawa na ng Louie Burger, isang napakakilalang consultant. Actually, noong ako ay nasa DTI ang Louie Burger ang gumawa ng Cagayan de Oro-Iligan corridor master plan. Tignan niyo ang laki ng kaunlaran ngayon sa Cagayan de Oro-Iligan corridor. Sila ang gumagawa ng master plan ng airport. Kailan matatapos, Larry? April 30 matatapos na ang kanilang feasibility study.

At ito ay ipapasok natin sa Asian Development Bank para mapondohan niya yung bilyong-bilyong pangangailangan para sa pangmatagalang pag-develop ng ating international airport. Bakit ko espesyal na ginagawa ito? Eh siyempre, mayor ng lungsod si Mayor Hagedorn pero tumutulong sa buong bansa, tumutulong sa akin. Di ko naman siya sinesuwelduhan, gawa ng ayon sa ating konstitusyon kung local government ka hindi ka puwedeng maging national government official. Kaya por la patria ginagawa ni Mayor Hagedorn yung kanyang pagpamuno sa Anti-Jueteng Task Force, for free representing the local government. Kaya papaano natin siya babayaran, sa pamamagitan lamang ng matupad ang kanyang mga panaginip sa kanyang mga minamahal na mamamayan ng Puerto Princesa.

Kaya eto na mayroon na tayong dahilan kung bakit nandito silang lahat, di ba? Si Mike Defensor, unang binanggit ko; si Ace Durano, pangalawang binanggit ko; si Jun Ebdane, pangatlong binaggit ko; si Larry Mendoza, pang-apat na binanggit ko dahil sila lahat ang magsusukli sa Puerto Princesa ng ginagawa ni Mayor Hagedorn sa buong bansa.

Maraming salamat sa inyong lahat.

Mabuhay! Puerto Princesa.

Advertisements

One Response to “Zero Waste in Eco-tourism city”

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: